Saturday, December 11, 2010

Happy New Year - Dapat na...

Habang may buhay...habang may dugong dumadaloy....tutulong at tutulong tayo sa pagsagip sa ating namamatay na kalikasan....

Ang blog na ito ay isinulat ng inyong lingkod noong unang araw ng taong 2010...na may pamagat na "Happy New Year, Dapat ba? Sa pagpasok ng bagong taong 2011...sana po ay mabago na ito....Happy New Year - Dapat na!

Flashback - Ibinalik na blog...

Unang araw ng Enero, taong 2010, lagi na tayo ay bumabati ng "Happy New Year" sa pag-pasok ng unang araw ng taon at mga unang araw sa buwan ng Enero, pero ang tanong, sa nakalipas na mga taon ng ating buhay sa bansang Pilipinas, naging happy ba tayo sa mga araw na dumaan sa ating buhay sa nakalipas na mga taon?

Happy New Year sa inyo mga kaibigan ko, mga kakilala, mga kamag-anak, sabi nga makabati man lang, kahit na sa loob mo ganun pa din ang magiging kalagayan ng buhay mo at wala din maaring maging pag-babago, kaya: Happy New Year (Dapat ba?)

Siguro yung mga mayayaman, siguro yung mga politiko, siguro yung mga nakaupo sa gobyerno, siguro yung mga sinasabing nagpapakalat ng mga salita ng ating "Panginoong Diyos" na mga hindi nawawalan ng pera ay sila lang ang mga may karapatan na bumati ng "Happy New Year" dahil alam nila na magpapatuloy ang kanilang pinag-gagagawa sa susunod na taon!

Pero paano naman tayong nasa middle class at mahihirap, mga walang trabaho, may pagkakataon ba tayong bumati ng "Happy New year" samantalang nandirito na naman ang pag-taas ng mga bilihin, pagtaas ng mga matrikula ng mga anak natin, pagtaas ng gasolina, nandirito na naman ang eleksyon na kailangang dumikit tayo sa pulitiko para magkaroon tayo ng konting pera na itutulong din natin sa pagbili ng mga mataas na bilihin na kailangan natin, at kung maysakit ka pa ay iisipin mo din ang mga mataas na gamot na iyong bibilhin para sa pagmamantina ng iyong sakit sa susunod na taon, sa madaling sabi, balik na naman tayo sa panahon ng 2009!

Paano pa ang mga kalamidad, sa nakalipas na taon, ilang kalamidad ba ang nangyari, sino po ba ang may gawa nito, ang ating "panginoong Diyos" ba, o tayo ding mga tao, tama kayo at hindi ko na kayo papasagutin, tayo, kayo at kayo din ang may gawa ng mga problemang ito, kaya ito mga nangyayari!

Sa mga nangyayari sa paligid natin, kailangan ba tayong magsawalang bahala sa lahat ng nangyayari sa atin, kailangan ba tayong laging nagpapatianod at magsasawalang kibo, hayaan na lang na lagi tayong bahain at malunod, panoorin na lang ang lagi ng nagpuputol ng mga punong-kahoy natin, at hayaan na lang na ang mga mayayaman ay patuloy na yumaman, at ang mahirap ay patuloy na maghirap, at kung wala kang trabaho, umasa na lang ng umasa sa tumutulong sa iyo, ganyan ho ang nangyayari sa atin di ho ba?

O baka naman ho ay isipin nyo na tuturuan namin kayong lumaban sa gobyerno at nakawan ang mayayaman, hindi ho, ang ating Foundation ay mahirap, pero mararangal at sumusunod sa batas ang mga namamahala dito at hindi kailanman kayo tuturuan ng mali!

Ang tanging layunin ng ating Foundation ay: "Trabaho at teknoloyiha para sa naghihirap nating kababayan, kalusugan ng mamamayan, at namamatay na kalikasan", iyan at iyan lang po ang aming layunin o adhikain para sa ating bansa at maging sa buong mundo dahil sa namamatay na kalikasan!

Sa nakalipas na panahon simula ng maitatag ang ating Foundation (Magda-dalawang taon na) ay wala ng iniisip ang pamunuan nito kung hindi magawa ang mga "Feasibility Studies" o mga pinag-isipang mga proyekto at paraan para makatulong sa ating kalikasan pero sa kasamaang palad ang lahat ng nilapitan naming mga Munisipyo, Siyudad, malalaking Foundation ay binale-wala lang itong aming inilalapit, kung nagkaroon lang sana ng isang butihing nilalang na laan talaga kaming tulungan ay sana hindi masyadong napinsala ang ating bansa sa panahong ng bagyuhan!

Sa hindi malamang dahilan, lahat ng nilapitan namin para sa ating namamatay na kalikasan ay lagi ng sinasabing wala pa silang pondo, pero sinasabing tutulong sila pagkatapos pa ng eleksyon! "Ano na kaya ang nangyayari sa bansa natin"?

At sinubukan din naming maging akredito ng "Department of Social Welfare and Development" para makasunod sa batas na ginawa ng ating"Pangulong Gloria Macapagal Arroyo" sa kanyang"Executive Order 720" na lumabas noong taong 2008, buwan ng Abril, na nagtatadhana na ang lahat ng mga Organisasyon at Foundation ay kailangang kumuha ng lisensiya at akreditasyon sa "DSWD" upang maging transparent o hayag ang mga nahihinging donasyon at nagagamit sa tamang paraan dahil ang mga ito ay hindi nagbubuwis sa gobyerno!

Ang ating Foundation ay sumunod sa utos at sa kabutihang-palad ay dalawa pang rehiyon ang binigay sa atin ng "DSWD", at ang mga ito ay ang "Region 3" at "NCR", at
upang magawan na natin ng mga proyekto at ang mga ito ay ipanghihingi sa mga munisipyo, mga kumpanya, at mga malalaking Foundation para makatulong sa mga proyekto tungkol sa ating kalikasan!

Sa maniwala kayo o hindi, o sadyang namamali na kami kung ngayon lang panahong ito ibabase, kami pa lang ho ang grupong makakalikasan ang binigyan ng "DSWD" ng lisensiya at akreditasyon dahil noong nag-a-apply pa lang kami at umattend ng seminar ay pinagtakhan nila at sinabing bakit hindi kami sa DENR humingi ng akreditasyon, pero ng ipaliwanag ko ang kahulugan ng "Welfare" at ang pagkaka-ugnay nito sa kalikasan sa kanila ay hindi na sila kumibo at pinasali na kami sa seminar, at nakuha namin ang pinakamimithi naming akreditasyon noong Hunyo 2, taong 2009, "Marami Pong Salamat sa pamunuan ng "DSWD"!

Ganunpaman hindi pa din namin masyadong nagamit ang kahalagahan ng aming akreditasyion sa "DSWD" dahil hindi pa sumasagot ang tatlong ahensiya ng gobyerno na aming hinihingan din ng panibagong akreditasyon sa kanila para tuloy-tuloy na ang mga gagawin naming mga proyekto, humihingi kami ng akreditasyon sa kanila dahil sa isa pang Ehekutibong utos ng ating Pangulo na alam naming masusunod ng maayos ang mga proyektong binabalak ng ating "Foundation" kung ibibigay ito sa amin, kaya sa mga nakalipas na panahon ay hindi kami masyadong makakilos at dumaan pa ang napakaraming kalamidad at hangang sa ngayon kami ay nag-iintay pa (Makikita po sa Save the dying rivers in the Philippines page ang dalawang ahensya ng gobyerno na wala pang sagot gayundin ang iba pang mga kilalang tao magpa-hangang sa ngayon) kung ito ay ibibigay sa amin pero mukhang malabo na, dahil sa darating na eleksyon, mas pinapahalagahan yata nila ang eleksyon kesa sa namamatay na kalikasan!

Wala na ho kaming maisip na sulosyon para tulungan na kami ng mga taong may konti pang pagmamahal sa ating bayan at kalikasan, wala na ho talaga, dahil ang pagdududa sa ating Foundation na walang kumpanyang katulong sa pagpapatakbo ay isang malaking palaisipan!

Hangang may isang butihing Director at abugado ng ating gobyerno ang nagpayo sa akin na: Gumawa ka ng sarili mong kumpanya para walang kulay, ang kikitain ng kumpanya mo ang gamitin mo para sa mga proyekto ninyo!

Simple lang ang payo nya sa akin dahil bago ko pang isiping itayo ang "Foundation" ay naisip ko na iyon at hindi ko ginawa, pero dahil sa nangyayaring hindi pagpapahalaga ng mga tao sa ating "Foundation" ay gagawin ko na din iyon, pero paano ako kukuha ng kapital para sa pagpapatakbo nito?

Naisip ko, marami pa nga pala ang aking mga kaibigang maaring maniwala sa akin, na matitinong tao na alam kong naniniwala at nagmamahal sa akin bilang isang kaibigan, at isa -isa ko silang pinuntahan at sinabi ko ang sinabi sa akin ng abugado, at sila ay nangakong tutulong sa akin, pero may problema pa din, kung sakali man na naitayo nga namin ang kumpanya kung wala pa din tatangkilik ng mga produktong pang-kalusugan at pang-kalikasan paano na, dahil ang karamihang magiging taga-tangkilik nito ay taong gobyerno, baka bumagsak lang ang kumpanya at wala ding mangyari?

At isa sa malaking hamon sa akin ang mga gagawin kung sakaling maitayo nga ang kumpanya, saan kami kukuha ng malaking puhunan, ang mga makinarya lang ay milyon na, paano pa ang mga pang-suweldo at mga gagamiting materyales, wala ngang tumulong sa "Foundation", e di lalo na kung kumpanya, alam nyo ba kung bakit, dahil pag-naitayo ang kumpanya na para sa kalusugan at kalikasan ay maraming kumpanyang maaring maapektuhan, mga kumpanyang magkapera lang ay hindi baleng mamatay ang kanyang mga kababayan at maghirap silang lahat, alam nyo na siguro ang ibig kong sabihin?

kaya ang unang naisip kong proyekto ay bigyan lahat ng responsibilidad ang lahat ng nilalang sa ibabaw ng mundo, hindi lang mga "Pilipino" kung hindi maging mga taga-ibang bansa, marami na akong kausap at nakatutuwa nga e, mga hindi natin kalahi pero willing silang tumulong dahil kalikasan ang isinasalba dito, at alam nyo ba kung saan ko nakuha ang ideyang ito, dahil din sa kautusan ng ating "Pangulo", bangitin muna natin ito;

Executive Order No. 774, Reorganizing the Presidential Task Force on Climate Change, Section 10, letter b - Other government agencies and the entire Filipino people shall be made to understand and enjoined to fully cooperate and perform their respective roles and responsibilities to face climate change.

Simple lang ho ito sa Tagalog: Ang mga ibang sangay ng gobyerno at ang lahat ng mga Pilipino ay kailangang maintindihan at hinihikayat na magbigay ng lubos na kooperasyon para gamitin ang kanilang kakayahan at responsibilidad para harapin ang pagbabago ng klima!

Kung isa kang walang pakialam sa ating kalikasan, hindi mo ito iintindihin, ang importante sa iyo pera at pera pa, pero ang kalamidad ay walang pinipili, mahirap ka man o mayaman, hindi lahat ng araw ay mahirap lang ang kailangang magdusa, may araw din ang mayayaman hindi pa lang dumarating kung inaakala nyo na kayang pigilin ng pera ang pahirap ng kalamidad dulot ng kalikasan!

Sa tulong ng aking mga kaibigan, at mga miyembro ng Foundation ay ginawa namin ang "Save Our Nature" T-shirt, simple lang ano ho ang inisip naming paraan para maitayo ng maayos ang kumpanya at magawa ng "Foundation" ang mga proyektong pang-kalikasan at pang-kalusugan ng lahat ng mamamayan ng Pilipinas, at kung papalarin (Dapat) maging ang lahat ng nilalang sa buong mundo!

Kung inyong bubuksan ang "Save Our Nature" page 1 and 2, o sa mga pahina sa ating website ay inyong makikita na halos lahat ng kilalang tao, mayaman at mahirap ay binigyan ng responsibilidad ng T-shirt na ito, para mapakilala sa buong mundo na tayong lahat ng Pilipino ay may pagkakaisa at responsibilidad kung tungkol sa kalikasan ang pag-uusapan!

Wala naman kasing nangyari sa pag-uusap nila noong nakaraang araw sa Copenhagen dahil 2% lang ang ibabawas sa lasong usok na pumipinsala ng ating kalikasan, ang dapat po ay 40% kung talagang gustong makatulong sa ating kalikasan, pero marami pa din tayong magagawa, kung tutulungan natin uling mabuhay ang namamatay na kalikasan ay dapat na tayong magka-isa (Malalaman nyo ang ibig naming sabihin kung inyong bibisitahin and "Feasibility Studies" page ng website na ito)!

At sa ating partisipasyon, kung ayaw nating tulungan ang kalikasan at mahihirap nating kababayan ay hindi nyo na dapat gamitin ang inyong apelyido, dahil sa pamamagitan ng inyong apelyido ay matuturuan natin ang ating mga anak, mga apo, at iba pang mga bata dahil ito ay lagi na nilang mababasa, na ito ang ating kontribusyon sa pagtulong sa ating namamatay na kalikasan!

Kung paano kayo magkakaroon nitong mga "Save Our Nature" T-shirt ay susulatan namin kayo at hihikayatin na maging miyembro ng ating Foundation maging honoraryo man o regular para lumabas na ito ay donasyon lamang na binibigyan namin ng kapalit, maari ding ito ay ibawas nyo sa pagbabayad ng buwis, dahil bibigyan namin kayo ng resibo, ang mga kikitain nito ay itutulong sa kawang-gawa at namamatay na kalikasan (Namamatay na mga ilog at bumabahong kapaligiran), at gayundin sa mga kamag-anak ng mga namatayan sa mga bagyong "Ondoy" at "Pepeng", lalo na sa mga taga-"Payatas" na pinag-umpisahan ng lahat ng mga pag-aaral para sa kalikasan!

At ang pinakamahalaga ay mabibigyan natin ng mga marangal na trabaho ang mahihirap nating mga kababayan dahil magagawa na natin ang mga proyekto para sa ating kalikasan (Ang mga proyekto para sa kalikasan ay kukulangin pa ang mga kababayan nating walang trabaho para ito maisakatuparan), at makakabati na din tayo ng "Happy New Year" (Dapat na!) sa susunod na taon dahil matutupad na ang gusto ng ating "Panginoong Diyos" para sa pagkakaisa para sa ating bayan, sa ating kalikasan, at para sa kabutihan natin na kanyang nilalang sa susunod pang mga taon!

December 12, 2010 na po ngayon...lilipas na naman ang isang taon...wala pa ding nangyayari sa ating "Foundation"...tapos na eleksyon, natalo na yung mga buktot na nangako sa ating Foundation....sa barangay may konti pang pag-asa...may aasahan kaya talaga tayong tulong.....

Sa pagpasok ng taon, 2011...muli kaming lalapit sa mga munisipyo at siyudad na inaabot ng maruruming ilog sa Bulacan, at sa mga kumpanya na hindi pa natin nagagawa....isasali na namin sila sa komiteng tayo naman ang gagawa....naubos na ng Balak-smith ang pondong nakalaan sa paglilinis ng mga ilog na ito, kung kailangan lumapit kami kay Presidente NoyNoy ay gagawin namin...kami ang boss niya di ba......

Sinusulong din namin ang pagkakaisa sa kapatiran ng mga "GUARDIANS"...dahil na din sa paniniwala na sa mga "Guardians" maguumpisa ang tunay na pagtulong sa ating kalikasan...dahil ang pagtulong sa ating mga kababayan ay naumpisahan na....

Sinusulong na din naming mga "Guardians" ang tema ng ating "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ang "Bukang-Liwayway sa ating Buhay-taong 2011"...

Para makabati din ang ating "Foundation" sa ating kalikasan at kapuspalad nating mga kababayan ng "Happy New Year" - Dapat Na.....

Marami hong salamat,

Jaime Leandro F. Reyes - GSGWFI Chairman



Paunawa: Binura na namin ang Save Our Nature T-Shirt at mga "Feasibility Studies" sa ating website...ilalaba
s na lang natin ito sa tamang panahon - GSGWFI